Ang buhay masaya lalo na kung may handaan. Ang handaan ay pagpapakita ng isang simpleng kasaganahan at isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng isang pamilya, kaibigan o anumang samahan. Birthday ba kamo? Binyag ba? Kasal ba? Mga tanong na siguradong may handaan.
Mapapansin nyo, noon kapag may kasalan o anumang okasyon, maririnig mo ang mga tugtugin na patok sa pandinig ng mga pinoy. Yung mga indakan, yan ang uso sa mga kasalan. Sama-sama ang pamilya ng magkabilang panig na ikinakasal. Masaya at maraming pakwela. Kung birthday o kaarawan naman, mapa-una, pangalawa o debut, siguradong may handaan kahit paano. At anumang mahalagang bahagi ng buhay na kailangan ang pagdiriwang ay mayroong kaunting handaan. Yan ang pinoy, kaya marami ang yumayamang negosyante dahil magarbo ang pinoy. (Yan ay hindi pa dikit-dikit ang bahay.)
Ngunit, ngayon na uso na ang videoke na dati ay karaoke, lalong naging masa masaya ang pagdiriwang. Naging bahagi ng buhay ng marami sa atin ang ganitong pagdiriwang na may kantahan. Diyan mo makikita na ang mga pinoy mahilig sa kanta mapaluma man o bago. Bata o matanda ay nahihilig sa kantahan. Kaya naman, marami sa mga pinoy ang may potential sa pagkanta at pagtugtog.
Ngunit, kung mapapansin nyo, wala na rin sa tama ang pagdiriwang minsan. Sa panahon ngayon, hindi na dapat sobra ang kasiyahan at pagdiriwang. Dapat lagyan ng oras. Ilagay sa tamang oras ang simula at pagtatapos. Isipin natin na may mga kapitbahay din tayo. Gusto rin nilang makapagpahinga ng maayos lalo pa't pagod din sila mula sa trabaho. Oo minsan lang naman pero kung wala na sa oras, nakakabulahaw naman. Sila rin kaya ang mag-ingay kung hindi ka ba mabulahaw. Hindi masama ang magdiwang o magsaya kung maayos at laging nasa tamang oras. Oras na upang matuto tayong mga pinoy na rumespeto at mamauhay ng tahimik at payapa. Wag garapalan.
Ito ay upang maiwasan ang anumang iringan ng magkapit-bahay dahilan lamang ng sobrang ingay. Ipakita natin sa ibang tao na kaya nating mamuhay ng may disiplina at payapa. Saka, panatilihin natin ang kapayapaan sa ating paligid. Masaya kung laging may pagkakaisa.
1 comment:
nice post!
Post a Comment