Grabe na rin ang mga magnanakaw ngayon hindi lang bahay na kung tanghaling tapat iwan mo, pagbalik mo nabawasan na gamit mo. Mahirap ng magsalita pero sa mga nakikita ko sa aking paligid talagang talamak na ang nakawan mapa-gabi o tanghali. Kaya mag-ingat tayo sa panahon ngayon, matitinik na ang mga magnanakaw dahil pati fast food sinusulong na rin ng mga kawatan. Malalakas na talaga ang loob. Lantaran! Ang nakakapagtaka, pano nila nagagawang kunin ang mga bagay na kahit may nakakakita ay parang wala lang. Malamang may hypnotism na nangyayari kaya hindi makaimik ang mga nakakakita.
Yung napanood ko sa Youtube, ang tindi! Paa ang ginamit niya sa paghila ng bag na ang laman pala ay isang laptop computer. Walang kamalay-malay yung may-ari na kausap ang mga kasama habang kumakain, hinihila na pala ang bag niya na nasa lapag ng sahig. Pagkatapos, nailipat ang laptop sa bag na dala nung magnanakaw ng hindi pa rin namamalayan ng may-ari. Ilang sigundo ay agad na umalis ang magnanakaw tangay ang laptop. Yun namang look out sa labas dali-dali na rin sumunod dun sa kasama niya.
Ito ang ilang bagong modus ng mga kawatan ngayon. Kaya yung mga kumakain sa fast food, bantayang maigi ang inyong mga kagamitan. At kung duda kayo sa isang taong nasa paligid niyo, tumawag na kaagad ng atensiyon sa may kapangyarihan o sa management.
Sa hirap ng buhay, kaya marami na ang nai-engganyo sa mga ganitong gawain. Kaya dapat palawigin ng pamahalaan ang proyekto sa trabaho dito sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment