Malamang nabasa nyo na 'to, pero kung hindi pa marahil bago ito sa pandinig natin o maaring sa akin lang. Ito'y isang laman ng balita tungkol kay Hubert Webb na nakulong dahil nasangkot sa visconde Massacre noong 1991. At ngayon, siya ay nag-file ng claim dahil siya ay na-acquit sa Visconde Massacre.
Webb's lawyer, said that Webb is entitled to P1,000 for every month he spent in jail."There's a Board of Claims here in the DOJ, so once you are convicted and subsequently acquitted, you are entitled to compensation from the government," said lawyer Joaquin Miguel Hizon.
Parang ngayon lang yata nabanggit ito ng isang abogado. Ibig sabihin, kawawa naman yung ibang nakulong na hindi alam ang ganitong pribilihiyo, walang kasalanan na hindi naka-avail nito. E di sana, paglabas nila ng kulungan meron silang perang makukuha mula sa gobyerno. May magagamit sila bilang panimula para sa pagbabagong buhay. Alam naman natin na maaring hindi na sila matanggap sa trabaho dahil sa kanilang naging karanasan. kaya, nararapat lang na malaman ito ng ilang nating kababayan upang mapakinabangan nila ang perang ito na laan para sa kanila. Siguro naman hindi lang si Hubert Webb ang may karapatan para mag-file ng claim for compensation, maging ang ibang na-acquit din na mga kababayan natin.
Malamang maraming pang mga sekretong patakaran at batas ang ating gobyerno na dapat malaman ng mamayan, upang kahit paano maaari itong pakinabangan. Dahil dito tiyak na maraming tutungo sa DOJ Board of Claims upang mag file ng kani-kanilang compensation claim.
Ngunit, gaano ba kadali ang mag-file ng compensation claim?Paano mo mapapatunayan na ikaw nga ay walang kasalanan? Ang labas nito, kung walang pera wala rin dahil walang panglakad.
No comments:
Post a Comment