Mahirap ang buhay ngayon lalo na kung magkakasakit pa tayo. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na mahirap pala ang magkasakit lalo na kapag ang sakit mo ay isang walang kwenta o yun bang hindi mo iniinda. Pero nung nakalipas na ilang araw, nadama ko na ang hika o asthma ay maaari palang ikamatay ng tao. Halos magdilim ang paningin ko ng hindi na ako halos makahinga at parang pagod na pagod akong kumilos. Nagsimula kasi ito nang magbabad ako sa computer ng ilang oras o halos isang araw. Noon kapag sinusumpong medyo kaya pa, pero nitong nakaraan mga araw napatunayan na grabe. Nakamamatay talaga!
So, pagkaraan ng isang araw punta kami agad sa doktor upang magpa-check up. Kahit paano nakatulong din yung nebulizer para ako makahinga at maging ang pamaypay. Iba na kasi ang buga ng electric fan kapag matagal ng ginagamit, medyo mainit na ang hangin. Iba pa rin talaga ang sariwang hangin na malalanghap mo sa labas lalo na tuwing umaga.
Kahit paano medyo maigi-igi na ang pakiramdam. At ramdam ko na kung ano ang ibig sabihin ng sakit lalo na kung personal mo na itong nararanasan. Mahalaga na kapag may sakit, dapat pa-check up agad at kung wala namang pangpagamot dapat alam natin kung paano lulunasan pansamantala ang ating karamdaman. Dapat maging aware tayo palagi. Dahil kahit anong sakit maaring nating ikamatay.
No comments:
Post a Comment