source: Facebook |
Naalala ko tuloy ang bayaw ko sa probinsiya. Sa Visayas at Mindanao, ito ang isang uri ng pinakakakitaan ng ilang mga kalalakihan bukod sa pangingisda at pagsasaka. Bahagi na ito ng buhay sa probinsiya.
Bata at matanda marunong nito lalo na yung mga talagang laki sa bukid. Ang mga batang 12 pataas ay nag-aaral ng umakyat ng niyog at ginagaya lamang kung ano ang nakikita nila sa kanilang ama. Kaya naman sa murang edad marunong na rin silang uminom ng Tuba.
Ang Tuba(kung tawagin ay Lambanog) ay masarap at manamis-tamis kung bagong kuha pa. Pagkaraan ng ilang araw, nagiging maasim na ito lalo na kapag nabibilad na sa araw. Sa katagalan, ginagawa na rin itong suka at masarap na sangkap sa paksiw. Ang ilang naman ay iniinom pa rin ito(Bahalina ang tawag) na hinahaluan lamang ng Coke o Coca-cola para mabawasan ang asim at sa ganitong paraan maari na rin makalasing.
Ang nakakatawang bahagi ng ganitong gawain o maliit na hanap-buhay ay yung aakyat na hindi pa lasing si tatang o si kuya. Siyempre, sa taas ng niyog, nakaka-upo yan sila sa mala-sangang dahon ng niyog. Natural, naroon yung titikman nila ang katas ng bulaklak ng niyog (tuba). Kapag ang bulaklak ng niyog ay ginagawa ng tubaan ay hindi na maaaring maging bunga na tinatawag nating buko o niyog. Sa madaling salita, hindi na gaano nakakapamunga ang ganitong kaniyugan kung ginagamit na ito sa pagkuha ng tuba. Kahit medyo matamis ay maaari na rin itong makalasing dahil sa taglay nitong alcohol. Pagbaba, medyo may tama na si tatang (medyo lasing), pero matitindi na ang mga iyan (tulad ng nasa picture) dahil sa sanay na sila.
Mahirap ang ganitong uri ng hanap-buhay dahil delikado lalo na ang mga sobrang matataas na kaniyugan. Maaari silang malaglag lalo na sa mga hindi pa sanay. Suwerte kung pilay lang ang abutin kung sila'y malaglag pero siguradong patay pag nagkataon.
No comments:
Post a Comment