Camera use: Canon A40 |
Gamit ang aking mumurahing kamera na Canon A4Shot, kinunan ko ang bahay na ito. Alam nyo ba na ang may-ari nito ay kumukita dito? Oo! Pina-uupahan niya ito sa halagang P2,500.
Kung mapapansin nyo ang pintuan sa kaliwang bahagi, paupahan niya rin yan. Tapos yung sa kanang banda( isang tindahan) naman ay paupahan niya rin. Ginawa niyang paupahan ang ilang bahagi ng kaniyang malaking bahay. Tama lang para sa isang bagong mag-asawa o sa isang maliit na pamilya. Di ba okay na ito?
Ganyan ang buhay ngayon, hindi kailangan maging mayaman upang magsimula ng isang negosyo. Dito maliit lang ang maintenance at sigurado kang may kita lalo na kung malapit sa mataong lugar. Dapat talagang maging maparaan sa panahon ngayon hindi kailangan maging sosyal. Sosyal ka nga kung wala ka namang kakainin.
Ang mahalaga dito magkaroon ka ng marangal na kita kaysa magnakaw. Sa ating mga pinoy, naroon pa rin sa atin ang pagmamahal sa pamilya kung kaya't ginagawa natin ang mga ganitong paraan para kumita. Hindi na masama kung meron kang ganitong paupahan. Isipin mo kung meron kang 10 nito. Napakainam. Kahit hindi ka na magtrabaho. Pero mainam pa rin kung meron kang trabaho bilang dagdag kita.
Kung ikaw ay nasa abroad isang idea ito bilang investment mo sa manila o probinsiya. Patok pa rin ito dahil dumarami na ang populasyon natin at marami na ang nangangailangan ng murang matitirhan.
19 comments:
Good pm po, interesado po ako mam, saan po ang location nito,
San po location ? pde po ba pa send na pic loob ng bahay
San po ba ito maam
Pwede b syang tulugan tpoz my tindahan.San lugar po into
San po ang location nyan
Available??Location whole picture? Inside and outside?
Saan ito? Photo inside and outside pls. Ty
Available pa po ba un paupahan
available ba
Available po ba ito ngayon maam/sir?saan pong location ito maam/sir?
Saan po ito makikita
saan location po
location po gusto ko po yong my tindahan
Saan po ang location nya
Location po maam
Saan banda paupahan bahay mura location po
Saan Po Yan and available pa Po ba to
San Po ban yan available pa Po bayan at mag Kano Po buwat
May available pa po ba?
Post a Comment