Search Bar

Saturday, May 28, 2011

Overpopulation Daw Sanhi ng Pagbaha

Nagulat naman ako sa dahilan ng DENR Mines and Geosciences Bureau (MGB) na si Leo Nazareno na ang sanhi daw ng pagbaha ay ang overpopulation. Ano naman ang kaugnayan ng overpopulation sa pagbaha? Malamang may hang-over pa sila ng RH Bill. 

Parang gusto kong matawa sa walang kwentang dahilan na ito. Natural umulan kaya (may bagyo e) bumaha. Alam natin na basura ang dahilan kung kaya nagbabara ang mga kanal at iba pang daluyan ng tubig na siyang dahilan ng pagbaha at hindi overpopulation. So, ano ang gustong niyang mangyari? Magbawas ng tao, Paano? Tsk! Tsk! Bagkus na magsalita sya nito, dapat ay pagtuunan niyang maigi ang tunay na dahilan.

Matagal ng problema ang pagbaha noon pa man. Sadyang hindi lang seryoso ang ahensiya sa paglutas ng problema. Kaya parang hawig ito sa kanta na "Tuwing umuulan ay kapiling ka". Dapat lagi nilang minu-monitor ang lahat ng daluyan ng tubig sa ating bansa umaraw man o umulan. Constant monitoring ang kailangan at coordination sa mga local municipalities o ciudad.

Nariyan naman siguro ang plano tungkol sa mga drainage system ng ating bansa. Dapat tingnan nila at i-monitor ang mga panibagong proyekto kung saan kailangan ang coordination sa drainage plan. Huwag nilang hayaan na masunod ang sariling plano na hindi naaayon sa plano ng pangkalahatang drainage system. 

No comments: