Minsan, kung naging mayaman nga lang siguro ako ay nanaisin ko tumira sa isang tahimik at disiplinadong lugar. Yun bang tahimik at nakakataas ng moral. Yung hindi ka matatakot lumabas ng bahay kahit sa madaling araw, sa tanghali o sa gabi man. At saka, kapag lumabas ka ng bahay alam mong safe ang pamilya mo sa loob ng inyong tahanan. San kaya meron nito?
Kahapon, meron na naman daw nasaksak dito sa amin. Hindi ko naman inalam kung paano ang nangyari, ibang usapan na yan! Ang kawawa nga lang yung nasaksak ng walang kamalay-malay. Marahil umawat kaya nadamay. Ang masakit, ngayon marahil nakakaawa ang pamilya 'nung nadisgrasya dahil tanging siya lang ang inaasahan ng kaniyang asawa't mga anak.
Ano hanap-buhay niya? Isa siyang magpi-fishball. Sila ay mula sa Samar. Narating ko na ang Samar at alam ko kung ano ang buhay na pinagdadaanan ng ilan nating mga kababayan doon. Kaya't ang iba ay sadyang nakikipagsapalaran dito sa Manila.
Marami yan silang nagtitinda ng fishball. Minsan maaaga pa lang pumupunta na sila sa kanilang supplier para sa hapon meron na silang ilalako. Sila-sila rin ang nag-iinuman nang maganap ang pangyayari. siguro nagkapikonan kaya nag-away. Siyempre ang nakakaawa ay ang agrabyado dahil nasa ospital. Sana maka-recover pa.
Sana, kung mag-iinuman iwasan ang gulo at wag ng mandamay pa ng ilang taong maayos at tahimik na namumuhay. Lahat tayo at may karapatang mabuhay at maging masaya sa mundong ito ngunit hindi para manakit at pumatay. Sana iwasan ang labis na pag-inom na hahantong lang sa away..
No comments:
Post a Comment