Nakakapanlumo isipin na may VIP treatment pala kapag ang nakakulong ay isang dating opisyal o opisyal na nahalal bago makulong. Samantala, ang mga nabansagang kriminal ay naroroon lamang liban kung meron misyon na pinagagawa sa kanila, saka lang sila nakakapamasyal.
Ito ang napansin kong issue tungkol kay dating Batangas governor Tony Leviste. Pasyal ba ang tawag dun? Dumalaw lang siguro sa kanyang opisina yung tao. Kahit ano pa man ang tawag dun, hindi alibi yun dahil para na ring ipinakita sa madla na napakaluwag ng ating batas kaya marami ang nagsasamantala at mga mapagsamantala. Dapat lang talagang tanggalin ang mga taong responsible sa naturang issue. Wala ng anupamang imbestigasyon, bakit kailangan pa eh kita naman ang tunay na ebidensya. Kalokohan yung sabihin na hindi nila alam. o kailangang magpagamot.
Kaya ilang mga preso ay nagmamaktol kung bakit meron ilan na may vip treatment. Sana maging tuwid ang pagpapatupad ng batas dito sa atin.
No comments:
Post a Comment