Apat sa aming bisita nitong mga ilang araw ay pupunta ng Hawaii. Meron silang petisyon galing sa asawang lalaki na naroon na at matagal na naninirahan doon. Sa petisyon niya, kasama ang asawa at tatlo nilang anak.
Galing sila ng Ilocos Norte (Laoag) at ilang araw ding namalagi dito sa bahay. Hipag ko ang kapatid niya kung gaya hindi na rin sila malayo sa amin. Dito sila pumupunta sa amin sa tuwing may mga lakad silang inaasikaso dito sa Manila.
Tatlong araw din ang ginugol nila sa pagpunta sa accredited na medical center ng US embassy - St. Luke Medical Extension Center na di kalayuan sa embahada. Matatagpuan ito sa bandang Ermita.
Una nilang punta ay nagkaroon sila ng medical check-up. Alas-4 pa lang ng umaga at bumiyahe na sila gamit ang kanilang sariling sasakyan. Kahit na maaga na silang pumunta ay mayroon pa raw mas nauna sa kanila na nakaabang na alas-12 pa lang ng gabi. Nag-hotel na lang daw ang babae sa kagustuhang maka-una sa pila. Gabi na sila naka-uwi pero ok na ang kanilang physical check-up.
Ikalawang araw, bumalik sila upang magpa-injection. Tatlo sa kanila ang nakatapos ng injection sa araw na iyon (Huwebes). Hapon na rin sila naka-uwi dahil sinabayan na rin nila ng pamamasyal.
Ikatlong araw, bumalik na naman sila upang pa-injectionan ang anak na babae. Nag-taxi na lang sila dahil tinamad ang kuya ko na magmaneho. Mahirap daw mag-taxi dahil sa traffic. At, mahirap din daw maghintay ng taxi lalo na kung kasagsagan ng traffic. Nakauwi naman din sila pero medyo pagod daw sila nag-taxi lang sila. (Iba pa rin talaga kung may sarili kang service sa panahon ngayon)
Malaki rin ang ginastos nila sa medical dahil sa mahal ng bayad. Tsk! Tsk! Grabe, isipin mo naman St Luke kaya yun! Ang adult ay nasa $230 at ang bata ay $183 mahigit. Ganun kamahal ang singilan! Isipin nyo, sa apat na tao (1 matanda at 3 bata), magkano ang aabutin. Grabe pala talaga ang higpit ng US Embassy! Halos P8 libo mahigit sa matanda at P7 libo mahigit kada bata ang binayaran nila.
Sabi nila marami daw ang aplikante. Samakatuwid napakalaki ng kinikita ng St. Luke Hospital. E paano kung bumagsak ka sa medical, e di talo? Bayad ka uli ganun ba? Sana hindi ganun. Ang sungit pa daw nung isang doktor dun na naka-assign sa anak niya. Natural wala kang magawa dahil pag tinarayan mo rin ay baka ibagsak ka pa sa medical.
No comments:
Post a Comment