Bata pa lamang matinik na! Yan ang isang kinatatakutan ngayon hindi lang sa Makati, kundi sa mga ciudad na walang Police visibility. Nasaan kaya ang mga pulis?
Sumasalakay umano ang mga ito lalo na kung traffic. Mang-aasar. Inuuga ang sasakyan para lumabas ang driver, pagkatapos yung isang kasama na nasa likod ang babanat sa likod ng sasakyan para kunin ang puwedeng pakinabangan. Kaya, mahirap kung babae ang driver. Kahit lalaki pa ang driver, ang payo ng mga pulis ay wag ng tangkain pang lumabas lalo na kung madilim o walang gaanong tao.
Malamang ginagamit na ang mga ito ng mga masasamang loob, siyempre dahil bata pa. Walang namang kasong isasampa sa kanila kundi ang ipadala sila sa DSWD. Marunong na ring lumaban ang mga ito lalo na kung marami sila, gamit ang mga bato. Kawawang mga magulang, hindi nila alam kung saan na ang kanilang mga anak. O marahil, sarili rin nilang magulang ang nagturo sa kanila. Sana hindi!
Kaya sana, paigtingin ng pamahalaan ang kampanya sa edukasyon upang mahimok ang mga batang ito na mag-aral. Magkaroon ng magandang edukasyon. Pero, sa nakikita rin ng mga bata sa ating gobyerno at lipunan, lalo na yung mga kurakot na opisyal, isang dahil ito na maimpluwensiyahan ang mga kabataan na gumawa ng masama.
No comments:
Post a Comment