Search Bar

Wednesday, May 11, 2011

Maganda ang Panahon

source: tuggot.blogspot.com
Wala ng ulan. Maaga akong nagising dahil maganda ang panahon ngayon. Maliwanag. Mainit na naman! Abala na naman ang mga tao lalo na kapag maganda ang panahon. Masigla na naman ang negosyo dahil malaya ang mga tao sa pamimili kumpara sa tuwing umuulan.

Maaga pa lang, bukas na ang shop ko. Maaga rin pumunta yung isa kong customer para itanong kung paano daw gawin yung kanilang connection sa Globe. Hindi raw kasi sila maka-connect sa internet. Hindi pa naman ako gaanong abala kung kaya sumama ako sa kanilang bahay para tingnan kung ano ang problema. Hindi lang pala maayos na naka-connect yung kanilang linya kaya hindi sila makapag--internet. Ayun, ayos na. Itunuro ko na rin kung paano nila imi-maintain ang kanilang PC para maging maayos ang operation nito. Naituro ko sa kanila ang kahalagahan ng personal maintenance gaya ng disk clean up, defragmentation at virus scanning.

Sa ngayon, marami na rin mga Filipino ang may sariling computer hindi tulad noon na halos nasa internet shop ang mga ito para mag-rent ng computer upang maka-usap ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Kahit paano nakakatipid na sila kumpara sa mag-rent pa. Enjoy pa sila dahil kahit magdamag sila kausap ang kanilang mga mahal sa buhay. Advantage rin ito pa ra sa mga kabataan upang maging bihasa sa computer na siyang kailangan ngayon sa mga trabaho. Ngunit, iilan pa rin sa mga pinoy ang may technical na kaalaman sa computer kung kaya magastos din kapag may sira ang computer. Ganyan lang talaga ang buhay.

Isang simpleng pasasalamat ang narinig ko sa customer ko. Masaya na ako kahit paano, nakakatulong tayo sa kanila sa isang sandali.

No comments: