Bakit tuwing eleksiyon, kanya-kanya ng diskarte ang mga pulitiko at maging ang mga botante. Kanya-kanya sila ng estilo at mga katagang binibitiwan sa harap ng mga botante. Iba't-ibang pangako at matatamis na salita para lamang manalo.
Minsan pumunta kami sa isang bagong kaibigan sa Taytay, Rizal. Hindi maiwasang pag-usapan ang tungkol sa naganap ng barangay election. Siyempre, isa sa kanila ang magaling magkuwento. Bulak ang tawag sa kanya ng kaniyang mga kaibigan. Magaling siyang magkuwento, nakakatawa at mababakas sa kaniyang mukha ang pagiging masayahin.
Ito ang mga kataga tuwing eleksiyon:
Pulitiko
Isang pulitiko habang itinuturo ang mga pulis, aniya"Panahon ko ito at karapatan ko ito bilang isang pulitiko. Ang mga walanghiyang pulis na yan, kapag ako ang nanalo, ako mismo ang magpapatahi ng kanilang uniporme! Deretso at walang bulsa para hindi sila makapangutong!" Nang matalo, halos hindi makatingin sa mga pulis.
"Kapag ako ang nanalo, ang barya gagawin kong sinlaki ng gulong at ang papel ay gagawin kong sinlaki ng plywood upang maiwasan ang kurakot!"
"Aalisin natin ang mga kurakot sa gobyerno upang maayos ang ating bayan!" Nang matalo, lumapit kay Mayor humihingi ng puwesto. Sabi ng mayor, "Nung eleksiyon lagi mo akong tinitira bakit ngayon lalapit ka sa akin?" Sagot niya, "Mayor, eleksiyon naman yun ganun talaga."
"Aalisin natin ang dayaan, upang maiwasan ang gulo!" Ngunit ng malamang dehado sa kalaban, nagpadala ng dalawang sasakyan. Makaraan ang ilang oras, nawala ang ilaw. Pagkatapos, natalo ang kaniyang kalaban.
"Hindi tayo bibili ng boto para maging patas ang laban!" Pero, sa kanyang pangangampanya namimigay ng pagkain may kasamang pera.
Nang panahon na para bumoto, ang kanyang mga galamay dumidiskarte para siya manalo. Isa-isang namamahay, (may indelible ink) tinanong ang mga botante, "Boboto ho ba kayo? Akin na ang mga daliri nyo, ito ang P200, wag nyo ng sayangin oras nyo."
No comments:
Post a Comment