Camera use: Canon Power Shot A40 |
Kinuha ko itong larawan nang ako'y gumising ng alas 6:05 ng umaga. Gamit ko ang aking Canon A40. Kuha ito mula sa aming bahay, sa ikatlong palapag.
Balak ko sanang kunan ang sikat ng araw ngunit hindi kaya ng aking kamera di tulad ng mga Nikon camera. Sabagay, maganda naman ang naging resulta dahil ang pagsikat ng araw na natatabunan ng dalawang gusali ay may magandang mensahe.
Kung mapapansin nyo, pasikat pa lang ang araw sa bandang amin. At mapapansin nyo na tanging ang dalawang gusali ay naging sentro ng kamera. Ang isang gusali na binubuo ng apat na palapag ay pag-aari ng isang seaman. Ito ay ginawang paupahan - isang commercial sa baba at tig-isang kuarto sa 2nd at 3rd floor. Ano ibig sabihin nito?
Ang ikalawang gusali naman ay pag-aari ng isang pinay na nasa ibang bansa din. Binubuo naman ito ng dalawang palapag. Hindi pa tapos ang labas katulad ng kaniyang katabing gusali. ano ang Ibig sabihin nito?
Ang sagot: bilang isang tao, sa bawat pagsikat ng araw sa umaga, masdan mo ang iyong paligid ituon mo ang iyong pangarap dahil habang tumitingkad ang sikat ng araw nagliliwanag din ang ating mga pangarap.
2 comments:
Hi, I have been visiting your blog. Congratulations for your work. I invite you to visit my blog at:
http://alvarogomezcasto.over-blog.es
Greetings from Colombia
@Alvaro: Thanks for visiting my blog. I really appreciate your time.
@Nelson: I visited you blog too and know what? I love poetry. Great Job! Thanks for your time in my blog.
Post a Comment