source: Google |
Nabanggit ko kamakailan ang tungkol sa mga OFW sa Afghanistan at ngayon may nakuha na naman akong kakaibang kuwento na maaaring totoo o hindi kapani-paniwala, pero ito'y galing mismo sa bibig ng aking kaibigan na galing ng Afghanistan.
Nabanggit niya na napakahirap talaga ang magtrabaho sa Afghanistan. Napakahigpit ng seguridad sa loob ng base ng amerikano. Hindi pinahihintulutan ang cellphone, laptop, camera, usb. Kung meron man tanging mga amerikanong sundalo lang ang pinahihintulutan. Kung sakaling nais mong magkaroon ng laptop, ito'y nakapangalan sa sundalo. Pero kinukuha nila ang mahahalagang impormasyon dahil namo-monitor nila ang mga iyun. Alam nila kung anong website ang pinupuntahan mo.
Doon niya naranasan na halos walang komunikasyon sa mga mahal sa buhay. Pero, gumawa siya ng paraan na kahit paano ay makontak ang kaniyang pamilya. Ang sikreto niya: Pakikisama sa kapwa pinoy, amerikano at maging Afghan. Doon din niya naranasan na ang kanilang panligo ay nagmula sa filtrated na tubig sa septic tank. Ngunit kahit paano ang kanilang inumin ay mineral water.
Isang halimbawa ng siguridad ay ang iris scan. Ito ang gamit nila para sa pagkilala sa tao kung ito ay nagtratrabaho sa base o hindi. Hindi ka maaaring basta-basta makapagpicture sa loob ng base. At, kailangan mong sundin ang kanilang patakaran kung hindi mapapahamak ka lalo na ang paglabas ng base upang bumili sa labas. Nabanggit din nya na meron silang limang kasamahan na nawala. Ang apat ay hindi na natagpuan at ang isa ay napag alaman na tinadtad ang katawan.ng mga Taliban. Dalawa lang ang pupuntahan mo, ang mapahamak ka o mapauwi ka ng pilipinas. Meron din naman mga manggagawa na mga taliban sa loob ng base ngunit binabantayan sila sa bawat kilos nila. Mga pinoy din ang kadalasang bantay ng mga Aghan workers sa loob ng base. Tatlong tao ang binantayan ng kaibigan ko doon. Marami siyang napuna sa mga Taliban na kaiba sa ating mga pinoy lalo na sa personal na kalinisan, sa pananamit at... maging sa pag-ihi. Nakakatawa nga.
Kawawa naman ang mga nawawalang pinoy. Natanong ko nga kung paano ang mga pamilya nila. Sabi, niya walang magawa ang mga amerikano dahil sa katigasan ng ulo nila. Ang buhay nga naman! Tabla na lang daw.
Ano kaya ang ginawa ng ating mga opisyal sa panahon na nangyari ito? Nabalitaan kaya nila ito?
source: Google |
No comments:
Post a Comment