Minsan kapag nagkakasama ang barkada hindi maiiwasan ang masarap na kuwentuhan. May oras na magdamagan ang kwentuhan na halos hindi na maputol kahit na may inaantok na o mayroon ng gustong umuwi.
Kapag ganito ang sitwasyon dapat alam mo kung paano putulin ang walang katapusang kuwento. Ito ang magandang kuwento. Sana magustuhan nyo.
"Noong panahon, may isang prinsipe na siyang tagapagmana ng isang kaharian. Dahil nga sa matanda na ang amang hari, ninais ng hari na mag-asawa na ang kanyang anak upang magkaroon siya ng magiging apo na magmamana rin ng kaharian."
"Subalit, wala pang napupusuan ang kanyang anak kung kaya't mahirap ang kaniyang iniisip. Samantala, may isang dalaga naman na nakatira sa kabilang ibayo. Maganda at mayumi ngunit walang nagtatangkang manligaw sa kanya dahil sa kanyang tapang sa pakikipagdigma."
"Dinig ng kaharian ng prinsipe ang kuwento tungkol sa dalaga kung kaya minabuti niyang alamin ang tungkol dito. Nagalak siya sa ibinalita sa kanya. Kaya't naisip niyang ligawan ang dalaga upang maging kasintahan. Kung paano at gaano katagal yun ang hindi niya tiyak."
Uso pa ang alagang pagong noon. Gumawa siya ng sulat na nagpapahiwatig ng kanyang damdamin sa dalaga. Ang sulat ay kanyang ipinadala sa pamamagitan ng pagong. Nagsimula maglakbay ang pagong upang dalhin ang liham ng prinsipe........(abangan)
Ngayon magtatanong kayo kung ano ang susunod? Hintayin muna nating makabalik ang pagong dahil malayo pa ang kanyang lalakbayin upang maihatid ang mensahe(lol).
No comments:
Post a Comment