Madali na mahirap. Kailangan marunong kang bumasa at umintindi. Kailangan din matiyaga ka at may pakiramdam. Siyempre hindi ka dapat magmadali na matutunan agad ang mga bagay tungkol sa computer. Higit sa lahat mapagmasid at mayroong kaunting lakas ng memorya. Kumbaga ito ay for adults only.
Madali lang matutong mag-ayos ng computer dahil mayroon namang manual ang mga motherboard na puwedeng mong basahin bilang gabay sa pag-aaral. Nandiyan na rin ang internet bilang katuwang mo sa mga impormasyong kailangang mong malaman na ibinabahagi ng iba ng libre. Lahat ng mga articles meron na ngayon ang internet hindi tulad dati. Dapat meron ka rin kaunting gamit tulad ng screw driver at kung ano-ano pa.
Magtanong. Magtanong sa isang kaibigan na talagang bihasa na sa pag-aaayos ng computer. Hindi naman masama ang magtanong lalo na't gusto mo matutunan ang isang bagay. Ngunit hindi lahat ng tinatanong mo ay sasagutin ng isang may alam dahil ang iba ay inilalaan niya sa sarili niya lalo na't ginagamit niya ito sa kanyang negosyo. Maiintindihan mo rin ito kapag ikaw ay nag-aayos na rin ng computer na may bayad.
Subukan. Kung meron ka ng lahat ng iyon dapat subukan mo na ang mag-ayos ng computer. Kanino? Siyempre sa sarili mong computer. Kung ano ang mga sira meron ang computer mo, alamin mo kung paano gawin iyon. Isa-isa. Dahan-dahan. Kung gusto mo talagang magawa ang computer mo dapat risk-taker ka. Handa ka sa magiging kalalabasan ng gawa mo masira man ito o hindi. Kadalasan kasi, may pagkakataon talagang masisira ang gawa mo. Bahagi lang yan ng iyong pag-aaral. Pero kung gusto mo naman, bumili ka ng segunda mano para magamit mo sa iyong pag-aaral.
Ako, una kong natutunan ang mag-reformat ng computer. Sumunod ang mag-install ng operating system. Kahit paano ay marami na akong alam tungkol sa pag-aayos ng computer. Sinasabayan ko rin ito ng pag-aaral tuwing gabi gamit ang internet. Lahat ng ito ay hindi ko nakuha sa paaralan kundi sa sariling pag-aaral lamang. Nakakatuwa nga kasi ilang computer rin ang nasira ko bago ko natutunan ang mag-ayos. Higit sa lahat, malaking bagay para sa akin ang matutunan ang mag-assemble ng computer.
1 comment:
Ang pc ko po matagal mag boot
Post a Comment