Amang abugado
Maraming anak. Masipag at magaling na abugado. Merong siyang kasong hinawakan na hanggang sa makatapos na lang ang anak sa kanyang pag-aaral maging sa pagka-abugado ay hindi pa rin nalulutas.
Anak na abugado
Magmula elementarya hanggang kolehiyo ay likas na magaling ang anak kung saan naging no. 1 pa ito sa bar exam. Ngayon humahawak na rin siya ng mga kaso.
Nagkita ang mag-ama. Siguro dahil sa nakita ng anak na kalagayan ng ama, naisip niyang tulungan ito sa kasong matagal na niyang hindi nalulutas. Tanong niya, "Dad, ilang taon mo na bang hinawakan ang kasong yan bakit hanggang ngayon hindi pa rin nalulutas? Magmula ng bata pa kami ay naririnig ko na ang kasong iyan. Siguro naman kung naiisip mo na magaling ka, mas magaling na ako ngayon sa iyo. Kaya, ipaubaya mo na sa akin ang kasong yan."
Natawa lang ang ama sa pagmamayabang ng anak niya. Sagot ng ama, "Anak, oo tama ka, bata pa kayo hawak ko na ang kasong ito. Hanggang ngayon na abugado ka na ring tulad ko ay hindi ko pa nalulutas ang kasong ito. Alam mo ba kung bakit? Dahil dito ko kinukuha ang perang ipinangtustos ko sa pag-aaral mo at ng mga kapatid mo, maging ang mga pangangailangan natin."
No comments:
Post a Comment