Minsan, pumunta kami ng misis ko sa isang LBC branch sa Taguig upang kunin ang perang padala sa kanya. Nagsisimula pa lang magbukas at mag-ayos ng kanilang paninda ang ilang vendors. Sa tapat ng LBC, meron isang vendor ng ukay-ukay. Di kalayuan ang pinaradahan ng motor ko sa vendor na iyon. Isa-isang inilalapag ng mama (may-aring lalaki) ang mga damit na paninda. Kasama niya ang kanyang tatlong lalaking alalay at ang kanyang asawa (sa palagay ko lang), dahil siya ang may hawak ng pera.
Samantala, may napuna akong isang babae. Balingkitan ang katawan, mahaba ang buhok at may hitsura. Social ang kanyang hitsura dahil sa klase ng kanyang pananamit. Isip ko, san kaya pupunta ang babaeng ito at tila may hinahanap.
Matagal siyang nakatayo sa tapat din ng vendor ng ukay-ukay. Pinagmamasdan ko lang ang kanyang kilos kung ano at sino ang hinihintay niya. Subalit, dahan-dahan siyang lumapit sa kariton at inangat ang isang puting tokong na inilabas ng mama. Kanya itong tiningnan, mga ilang sandali din, ngunit hindi niya siguro nagustuhan at pagkalipas ay umalis din patawid ng kalsada.
Wala lang. Napuna ko lang sa panahon ngayon, praktikal na ang tao. Ang halaga kasi ng mga damit na ukay ay P20 pataas. Sa ngayon, meron mga ukay-ukay sa mall(para sa mga sosyal) at meron naman sa sidewalk para sa masa.
No comments:
Post a Comment