Kukuha ng 200 - 400 na mga police at military troops upang sanaying humawak ng mga hostage crisis na gaya ng naganap nitong nakalipas na August 23 Hostage Drama. Sila ay sasanayin sa lahat ng anggulo mula sa kapatagan, sa himpapawid at sa karagatan.
'yan marahil ang kulang sa ating mga hukbong sandatahan. Maging ang mga kagamitan ay hindi rin sapat para tugunan ang pangangailangan ng sundalo't kapulisan. O kung sapat man, marahil ay kinulimbat ng ilang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at ganid na opisyal ng sandatahan ang salapi kung kaya't nauwi sa mga mumurahing kagamitan, bagay na nakikita na ngunit sadyang binaliwala lang. Kailan kaya maitatama ang lahat ng ganitong gawain?
Matindi ang pagpapayaman ng ilang mga ganid sa kapangyarihan.
Kawawa naman tayong mga mamamayan lalo na ang mga OFW na matinong nagta-trabaho sa ibang bansa na kalimitan ay naging biktima ng mga pangungutya.
Ilang katulad na hostage drama pa ang dapat mangyari upang tuluyang magising ang mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment