Ayokong isipin nyo na manginginom ako or what! Gusto ko lang na maiba ng kaunti ang ihip ng hangin.
Alam natin kung paano inumin ang laman ng baso normally. Ngayon, para maiba takpan ang baso ng panyo na itim para hindi makita ang laman ng baso. So, paano mo iinumin ang laman ng baso na hindi mo ginagalaw ang panyo?
Ok, maganda ito kung kakwentuhan mo ang barkada mo, o kaya naman ay para maaliw mo ang kaibigan mo at maganda rin ito sa mga youth activities. Paalala, huwag mong gawin ito ng nag-iisa kasi mahirap kung ikaw lang, baka isipin mo nasisiraan ka na ng bait.
Paano mo gagawin ito? Siyempre, dapat gawin mo itong palaisipan sa kanila bago mo sagutin. Parang magic baga! Samahan mo ng ilang kuwento para mawala ang atensiyon nila sa baso. Kuwento-kwento din! Bahala ka na kung anong kuwento.
Marahil naaliw mo na sila ng kuwento mo, ilan sa kanila maaring nakalimutan na ang tungkol sa baso di ba? Ituloy mo ngayon ang challenge, pumili ka ng isang tao na susubok na tingnan ang baso kung may laman pa o wala na. Here it goes, sa oras na tinanggal niya ang panyo saka mo sabayan ng pag-inom sa laman baso (tubig man yan o alak). Ano? Nainom mo ba ang laman ng baso ng hindi ginagalaw ang panyo?
No comments:
Post a Comment