Alam nyo ba na puwede pa rin palang gamitin ang mga HDD na hindi kalakihan ang damaged. Kumbaga, ang ilan sa mga ito ay may bad sectors lang. Paano pa magagamit ang mga ito?
Maaaring ang ilan ay nagawa na ito at ilan naman ay hindi pa. So, paano natin magagamit ang mga ganitong hard disk drive.
Minsan, kapag ni-reformat mo ang hard disk may ilan na tuloy-tuloy ngunit ang iba naman ay nagha-hang o kaya naman ay nagbu- blue screen of death o BSOD sa maikling salita. Sa ganitong paulit-ulit na ginagawa mo, malamang maiinis ka na at sasakit ang ulo mo.
Pero wag mabahala kaibigan, may solusyon pa diyan. Kung ang bad sectors ay hindi na kayang i-regenerate, alamin mo kung saan banda ang mga bad sectors o bahagi na damaged. Wag lang siguro sa unahan dahil tiyak hindi na magbo-boot iyon. Pero kapag wala sa unahan at nagsimula pa itong magbasa, gamitan mo na ng tinatawag na Partitioning.
Minsan kasi kung magi-install ka na ng OS o operating system gaya ng Windows XP, maaring kung ano-anong error ang lalabas. Ngayon, kahit ilan ang gawin mong partition sa hard disk basta wag lang bababa sa 8GB kung saan kailangan mong ma-install ang OS. Pagkatapos ng Partitioning, i-format mo sa NTFS or Fat. Subukan mong mag-install, pag tumuloy ng walang error, yun ang partition na walang bad sector o damaged.
Paano yung ibang partition? I-format mo rin at gawin mo na lang na taguan ng mga mahahalagang files mo. Usually, lalabas na drive C: ang may windows. 'Yung iba, lalabas na drive D, E, F etc..
No comments:
Post a Comment