Search Bar

Monday, October 25, 2010

Diskarteng Marino

Ang mga sundalo magagaling daw ito. Sa paghawak ng armas at sa ibang bagay likas ang kanilang kasanayan maging sa kabundukan kaya nilang mabuhay. Sa gubat bihira ang babae. Kaya naman, kapag nasa patag sila ay lubos ang kanilang pagsasaya. Inom dito inom doon hanggang kaya pang umahon.

Minsan, may isang sundalong nagawi sa amin. Bata pa, matipuno at likas ang kayabangan. Bata pa ako ng time na yun. Tanong niya sa akin, "Paano ba manligaw ang isang sundalo?" Sagot ko, "Di ko alam." Napangiti siya sa akin animo'y nagyayabang. Aniya, "dapat kapag nanligaw ka wala ng paligoy-ligoy."

Ito ang sikretong ibinahagi niya sa akin. Hindi ko man nagamit pero malaking idea dahil nakabuo ako ng sarili kung diskarteng marino. Sa kanya, estilo niya ay tapatan. Ano ba ang dapat sabihin sa babae kung talagang gusto mo siya? Sabi niya, "Gusto kita, ikaw? Ganun....

Pero meron naman ibang paraan di ba? Kung talagang gusto mo ang babae at alam mo ganun din siya sa iyo ito ang magandang tanong. "Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo na gusto kita? Hahaha. O kaya naman ganito, "Hindi ka ba magagalit kung sabihin ko sa iyong gusto kita?" 

Ikaw, ano ang diskarteng kaya mo?

No comments: