Dalawampu't apat na taon kung iningatan ang tanong na ito(lol).Ito naman ay isang magandang palaisipan. Medyo mag-iisip ka ng matagal. Tanong ito ng yumao kong uncle noong ako'y bata pa. Fourth year high school pa ako nito. Ilang araw din akong hindi nakatulog para sagutin ang tanong na ito. Matagal din kaming hindi nagkita ni Uncle dahil abala siya sa hanap-buhay. Ang masaklap, nang magkita kaming muli hindi ko pa rin nasagot ang tanong niya at kusa na niyang sinabi ang sagot.
Ito ang tanong, "Kapag dumapo ang ibon sa sanga ng tig-isa o isahan, sobra ang ibon ng isa. Ngunit kung dadapo sila ng tig-dalawa o dalawahan sobra naman ang sanga ng isa. Ngayon, ilang Ibon at ilang sanga ang kailangan?"
Malamang ngayon pa lang nagsisimula ka ng mag-isip ng sagot mo. Kung sakaling may sagot ka na i-comment mo lang. Pero kung hindi mo talaga kaya huwag mong pilitin baka mainis ka lang sa sarili mo. Pero, walang hindi kaya kapag talagang gusto mo di ba?
No comments:
Post a Comment