Search Bar

Friday, September 10, 2010

Kabuhayan

Maraming ngayon sa atin, ang pumapasok na lang sa kung anu-anong raket o iba't ibang klaseng pagkakitaan. Sadyang ganyan ang buhay kailangan makipagsapalaran. Ang ilang ay halos manloko na ng kapwa para lang magkapera. Ang iba ay ginagamit lang ang kapwa para kumita. Bakit nga ba ganun?

Marami kang makikita ngayon na klase ng kabuhayan. Sabi mahirap na ang buhay ngayon pero makikita mo sa bawat sulok na ang tao ay patuloy pa rin sa pamimili. Haka-haka lang siguro ng iilan ang kahirapan ng buhay. Sabi overpopulated na ang bansa kung kaya't marami ang naghihirap. Pero hindi naman talaga dahil marami pa rin ang lugar na hindi pa napapasok ng tao.

Mahirap magsalita. Ilan sa ating mga kababayan ay lumalabas ng bansa upang magtrabaho. Karamihan ay nauuwi sa mga illegal recruiters. Pero, ang iba ay mapalad at naging maunlad sa ibang bansa, abot-abot ang biyaya sa naiwang pamilya dito sa pinas.

Ang hinaing naman ng ilang mamamayan ay ang kakulangan sa trabaho dito sa sariling bayan. Bukod pa ang mababang pasahod kumpara sa ibang bansa. Ano ba talaga ang ginagawa ng ating gobyerno?

No comments: