Search Bar

Wednesday, July 30, 2014

Maruming Fish Crackers

Hay buhay talaga, may mga negosyante talagang walang paki-alam basta ang mahalaga ay kumita sila. Hindi nila iniisip na nakakasira pala sa kalusugan ang produktong ginagawa nila. At ngayon ko lang nakita tong VIDEO na ito na in-upload sa Youtube noong Pebrero 28, 2014 ng Bitag ni Ben Tulfo. Mukhang mga Taiwanese pa ang mga may-ari.

CREDIT TO OWNER
Kaya pala tinawag itong ipis cracker dahil doon sa mga patay na ipis na nakita nila sa mga drum ng patis. Bagkus na itapon ang nasabing mga patis, sinala lang ang mga patay na ipis at tinapon. Subalit ang patis patuloy pa rin nilang inihalo bilang pampalasa upang maging lasang isda. 

Bukod dito, isa sa mga sangkap ng fish cracker ay ang Borax - isang klase ng kemikal na inihahalo sa paggawa ng sabon, pamatay ng mga insekto, panlinis sa bahay at iba pang uri ng mga produkto. At, sa video makikita mo kung gaaano karumi ang paligid at paraan ng paggawa nito na kahit tubig na pinaghugasan ng kamay ng isang trabahante ay inihalo din.

Imbes na tanggalan ng lisensiya o papananugutin ang may-ari ng kumpanya kakausapin lang nila (mga inspector) ang management na isaayos at gawin tama ang paraan ng paggawa nila ng kanilang produkto. Kaya naman nakakapag-operate ng illegal ang nasaming kumpanya dahil sa ibinibigay nilang lagay sa mga ito.

Kaya pala nang kumain kami nito noon at inalok namin sa aming kaibigan hindi siya kumain dahil siguro alam niya ang tungkol dito dahil ito ay marumi at hindi maganda sa kalusugan ng tao. Ang masama hindi man lang kami sinabihan tungkol dito siguro dahil ayaw niya kaming mapahiya.

Kaya mula ngayon hindi na kami bibili ng ganitong mga fish cracker kahit pa maganda ang plastic na lalagyan. Kaya sa panahon ngayon mahirap magtiwala sa mga produkto hindi mo alam kung paano ginagawa.

1 comment:

Teri said...

Tapos wala pa siyang expiration date... Too bad...