Search Bar

Friday, September 20, 2013

Authentication at Red Ribbon

Medyo maganda na pala ang serbisyo ngayon ng DFA. Ngayon na lang uli kasi ako nakapunta ako sa DFA. Hindi na tulad ng dati na may kainitan at magulo. At, medyo masusungit ang mga empleyado. Ewan ko lang kung laging ganun. 

Ang extension office nila ay malapit lang sa Mall of Asia. Ibig sabihin, kung may time ka pa pagkatapos sa DFA, maaari ka pang pumasyal sa MOA. 

Medyo hindi naman ako nabagot nang mag-file ako ng application para sa Authentication at Red Ribbon ng Report of Marriage at Birth Certificate ng pamangkin ko. Katunayan nang dumating ako dakong alas-tres na, halos malapit na mag-cut off. Ang cut-off ng serbisyo nila ay hanggang alas-kuatro lang ng hapon. Ibig sabihin, hindi ka na nila papasukin kung sakaling maabutan ka ng cut-off.

Pagpasok sa loob, hihingi ka ng application form. Sagutan mo ang application habang nasa pila ka para sa processing. Kailangan naka-xerox na ang ID para kapag pinasa mo na ang form at mga dokumentong kailangan ng Authentication at Red Ribbon kasama na ito na kukunin ng empleyado para siyasatin kung tama ang mga nakasulat at kung ano pa ang kulang na dokumento na kailangan mong ibigay. Sa naging problema ko, medyo malabo lang ang birth record na dala ko galing ng NSO kaya hiningan ako ng birth record na galing ng munisipyo. Sabi ipakita ko na lang daw ito sa araw ng release kasama ang authorization letter ng mismong may-ari ng papeles kung ikaw ay representative lamang.

Pagkatapos sa processing bibigyan ka ng resibo para magbayad sa cashier. Pagkabayad sa kahera (cashier), babalik ka sa processing kung saan ka galing na window para iwan ang duplicate copy (pink). Ang white copy ang para sa iyo para ipakita mo sa release kasama ang mga karagdagang papel o dokumento na hinihingi sa iyo.

Isang daan lang ang bayad kada isang dokumento kung ordinary processing lang. Dalawang daan naman ang bayad kung express (rush) processing. Kung anong oras ka dumating (Hal. hapon) yun din ang oras ng pagkuha mo ng papeles mo sa araw ng release. Pakiramdam ko para lang akong namasyal sa DFA.

At least kahit paano, nakakatuwa dahil may improvement sa DFA. 


No comments: