Search Bar

Friday, August 5, 2011

"Angela"

AbuseImage by inf3ktion via Flickr
Nakakapanlumo isipin kung bakit may mga taong sadyang mapang-api sa kapwa kalahi man o hindi. Ngunit ang balitang ito na napanood ko ngayon sa ABS-CBN, ay isang banta sa mga nagnanais pang magtrabaho bilang isang katulong o kasambahay sa ibang bansa. 

Katulad nito, si "Angela" (24 yrs old), nagtrabaho sa Kuwait bilang isang kasambahay. Dahil sa labis na kahirapan dito sa atin, napilitang magtrabaho sa ibang bansa na umaasang magiging maganda ang kaniyang kapalaran sa Kuwait. Ngunit bigo siya sa kaniyang naging kapalaran dahil sa sinapit niya sa kaniyang amo.

Marahil dinig nyo na ang balitang ito kung kayo ay nanonood ng balita. Muntik na umano siyang mabulag dahil sa kuko na ginamit ng kaniyang among babae. Tinutusok daw ang kaniyang mata gamit ng mahabang kuko. Sabi niya, "dahil may anak ang kaniyang amo na isang bulag, nais din ng kaniyang amo na mabulag siya tulad ng kaniyang anak (amo). Bukod dito, sinasaktan at inuungtog pa umano ang kaniyang ulo sa pader. Bukod pa 'ron hindi pa umano siya pinasasahod.

Sa puntong ito, nasaan na kaya ang kaniyang agency na nagpa-alis sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas (July 27) at makapagsumbong sa ating embahada. Sana naman wag maging bulag ang ating embahada. Kung ano ang pangako ni Labor Attached David Des Dicang tungkol sa kasong ito ay tuparin niya.

Ganito na lang ba ang magiging karanasan palagi ng ating mga kababayang nagsisilbing kasambahay? Hindi na bago ang ganitong pangyayari, ngunit bakit ang mga iyan (mga among dayuhan) sa bandang Saudi at mga karatig nito ay mga abusado? Tingin talaga nila sa ating mga pinoy ay mababang klase. Kung mga Pinoy ang nagkakasala, labis ang kaparusahan, ang hatol, pero kung mga mamamayan kaya nila ang nagmamalabis sa ating mga kababayan, ano naman kaya ang parusa ibinibigay sa kanila?

Sana, kumilos na ang ating Gobyerno na paunlarin ang ating bansa upang hindi na kailangan pang lumabas ng bansa ang ating mga kababayan. Isulong na ang mga planong tungkol sa exploration ng mga langis sa Mindanao at maglikha ng maraming trabaho para sa mga mamamayan. Dapat i-priority ang ating mamamayan sa mga trabahong maibibigay ng mga pagtuklas ng mga langis. 

Tama ang desisyon ng pamahalaan na ituloy ang oil exploration kahit na hadlang ang ilang grupo sa Mindanao. Sana sa mga plano ng gobyerno, hindi na muling iiyak si "Angela". At wala ng susunod pang "Angela". Hindi lang ito ang ilang mga kuwento tungkol sa OFW, marami pa.
Enhanced by Zemanta

No comments: