Search Bar

Sunday, June 5, 2011

Wag Mag-away Sa Pension

Sa Mindanao, mahirap ang buhay dahil sa kakulangan ng trabaho at dahil na rin sa mababang pasahod lalo na sa mga mababang pinag-aralan. Kaya't Karamihan, nagtitiis na lang sa pagsasaka at pangingisda. Aanhin mo nga naman ang P200 kung maghapon ka namang pagod. Tapos, may pamilya ka pang pakakainin.

Kaya, mapalad ka kung ang iyong ama o lolo ay isang World War II Veterans. Lalo na yung mahahaba ang buhay na beterano sa giyera. Sapagkat, mapapakinabangan mo ng husto ang pension nito.

Meron isang beterano, isang 91 anyos na lalaki. Nakakalad pa at umiinom pa ng alak. Mantakin mong dalawang tagayan lang niya ang isang lapad ng Tanduay Rhum. Malakas ding manigarilyo.

Si Mang Martin, tubong mindanao ay isang beterano. May 4 na anak, isang babae at tatlong lalaki. Isa ay pumanaw na at ang tatlo ay mayroon ng sariling pamilya. May sakit na ang kaniyang asawa kaya hindi na naisama upang makapasyal ng Maynila. Lumuwas sila ng Manila upang i-follow up ang kaniyang pension.

Sa pension na lang siya umaasa. Ang tanging kaligayahan niya ang ay kaniyang pension. Sabagay, isipin mo na lang na ito ang kapalit ng kanilang paghihirap noong panahon ng digmaan para sa kalayaan ng ating bansa. At alam natin na hindi lang siya, marami pang tulad niya ang nakipag-digma noong panahon ng giyera.

Ngunit, ang isang mabigat dito ay hindi niya gaanong napapakinabangan ang kaniyang pension dahil na rin sa pinag-aawagawn ito ng mga anak. Bakit? Bagkus dapat pag-usapan nila kung paano nila gagamitin ang pera para sa kinabukasan ng kanilang magulang at kani-kanilang pamilya. At ang mapait dito, halos magpatayan pa sila dahil lang sa pension ng kanilang ama. 

Malaki na rin ang perang nakuha nila na kung susumahin ay umabot na umano sa P1.2 million. Kaya malaki dahil sa babayaran na umano ang pension niya ng buo. Hindi biglaan kundi parang installment pa rin. Ngunit, isa lang ang nakinabang. Kaya naman, ang kalagayan ni Mang Martin sa ngayon ay ganun pa rin. Lalo na ngayon na siya ay matanda na paano pa niya mapapakinabangan ang kaniyang pension. Tulad ngayon, inaasahan nila na makakakuha na naman sila ng malaki, kaya nangangamba na naman ang kaniyang isang anak at manugang na sa isang tao lang mapupunta ang pera kung kaya, itininakas nila si Mang Martin para lang madala sa Manila. 

Mahirap talaga kung wala ng ibang aasahan ang tao kundi ang pension. Ngunit mas mahirap kung pati ang mga anak ay magkakagulo dahil sa pension. At ang pinakamasaklap ay kung mauuwi lang ang pension sa wala. Sayang..

No comments: