Search Bar

Tuesday, June 7, 2011

Low IQ Ba mga Pinoy Pagdating sa Financial?

Ayon sa Citibank, sa isang article ng yahoo.com tungkol sa pinoy: "filipinos are optimistic but low on financial IQ", tama ba ito?

Kaya isang pinoy ang nag-react sa ilan sa mga nag-comments doon, sabi niya "Kung kasama kayo sa mga mabababa ang IQ wag nyo na lahatin mga kapwa nyo PILIPINO.. pati kayong mga pinoy na nag-aagree dyan iniinsulto na nga tayo aagree agree pa kayo.. Mga IDIOTes!

Sa palagay nyo mababa nga ba ang IQ nating mga pinoy pagdating sa financial? Tanging ako, ikaw at sila lamang ang nakakaalam. Kailangan bang ipangalandakan na marunong tayo o hindi? 

Sa palagay ko hindi sapat ang survey upang patunayan kung mababa o mataas ang IQ ng isang pinoy pagdating sa pera. Siguro, subukan nila tumira ng Ilocos at obserbahan nila kung paano humawak ng pera ang mga ilocanos. Hindi dahil sa sila ay kuripot kundi dahil may pinaglalaanan sila. Eh kahit mga foreigner marami din naman ang kuripot. Sa Ilocos, obserbahan mo tuwing may okasyon doon, hindi ba't masasabi mong mga galante sila. 

Kung pag-iimpok naman ang pag-uusapan, maraming pilipino ang maliliit ang bahay pero may pera. Hindi lang mahilig magbangko yung iba dahil gusto nila. Tulad ng mga Hapon, ang mga matatanda ayon sa nabasa ko, wala ring hilig magbangko dahil meron silang sariling vault para sa pera nila. Saka, magkano lang naman ang interes ng pera mo sa bangko kung tutuusin. Liban kung ii-invest mo ang pera mo sa bangko na halos karamihan ay may investment na inaalok sa mga depositor.

Kailangan bang magkaroon ng credit card o anumang card para lang masabing magaling kang humawak ng pera? Eh mas nakakahiya pa nga minsan dahil kahit pang-gasolina  ay ginagamitan pa ng credit card. Sinasabi lang marahil ng Citibank yan upang lalong marami ang maengganyo na kumuha ng credit card. 

Kung budgeting naman, maraming pinoy ang magagaling dyan. Pero siyempre hindi maiaalis na merong mga 1 day millionaire na mga pinoy. Marunong ang mga pinoy at kailanman hindi mo dapat laitin sa kung paano nila hawakan ang pera nila.

Kung futurity ang pag-uusapan, meron ang pinoy nyan. Kaya nga karamihan sa mga pinoy ay may pagpapahalaga sa edukasyon dahil alam nila ang edukasyon ang tanging daan upang lalong mapaunlad ang buhay nila at kanilang mga anak. Kung insurance, hindi pahuhuli ang mga pinoy. Nagkalat lang talaga ang mga insurance company na manloloko kaya ibang pinoy wala ng tiwala. Kung pag-iimpok sa bangko, maraming pinoy na aware na dito kaya nga lumakas ang banking system dito sa ating bansa. At mga pinoy marunong at kayang mabuhay kahit sa panahon ng taghirap lalo na yung mga nasa probinsiya na sanay sa bukid. 

Wala pa yang Citibank, marunong na humawak ng pera ang pinoy. Talamak lang kasi kurapsyon at manloloko, kaya nagkawindang-windang na ang buhay ng pinoy pati mga kasalukuyang generasyon nadamay. Kaya huwag ibase sa survey para lang ipakita ang IQ ng pinoy. Bakit ba pinoy lagi?

No comments: