Gaya ng dati, abala ako sa pagko-computer nang dumating ang partner ko na may nasagap na namang balita. Hindi ko namalayan na nagkagulo pala dito sa kapit-bahay namin. Gabi na rin kasi kaya hindi na ako lumalabas. Grabe!! May nasaksak na naman dito sa amin, magkakilala lang din. Siguro nagkainitan kaya nagkagulo. Dinala sa ospital ang nasaksak na kinarga daw na parang baboy dahil sa dalawang saksak na natamo nito sa tiyan.
Ang nakakapagtaka, parang wala lang nangyari. Pinuntahan ng barangay ang sumaksak at hindi ko na rin alam kung ano ang nangyari. Pero kanina lang nakita daw ng misis ko ang maysala sa bahay nila. Ano kaya ang ginawa ng mga tanod? Ni hindi man lang nila kinulong? O pinatawan ng parusa o kaya naman ay nai-turn-over sa pulisya? Anong klaseng mga autoridad yan?
Kanina lang naka-usap ko ang aking kaibigan na may mas edad pa sa akin. Nabanggit din niya ang nangyari kagabi ngunit ayon sa napag-alaman niya hindi naman daw nagreklamo ang biktima o ang pamilya ng biktima. Kaya ayon, hindi nakulong ang sumaksak. Anong klase? Ganun lang ba yun?
Ano na nangyayari sa batas natin?
No comments:
Post a Comment