Umulan na naman ngayon dito sa amin sa Taguig dakong alas 7:30 ng gabi. Malakas ang buhos ng ulan kung kaya umapaw na naman ang mga kanal. May mga naligo sa lakas ng ulan. Ako naman ay nagsahod para pambuhos ng mga halaman.
Ngayon, alas 8:10 ng gabi medyo mahina na ang ulan. Salamat naman at hindi gaano nagtagal ang ulan. Para bang nakakatakot kapag umuulan. Isang pangambang hindi maiiwasan. Dito sa Pinas, bagyo ang pinaka-matinding pangamba ng tao. Dahil kapag bumabagyo, tiyak matinding pagbaha na naman ang laman ng mga balita. Nariyan kasi ang ma-stranded dahil walang masakyan lalo na yung mga nasa opisina. Siyempre, iwas baha ang mga pampublikong sasakyan. Saka, nagdudulot din ito ng matinding traffic sa halos lahat ng sulok ng kamaynilaan. Bakit nga ba tuwing umuulan, ang lahat ng tao o sasakyan ay para bang nagmamadali? Kumpara kapag tag-init.
Sana maging payapa ang gabing ito para sa ating mga kababayang pinoy. Pero sana maging handa rin ang lahat lalo na kapag may babala ng bagyo.
No comments:
Post a Comment