Ang buhay nga naman, hindi mo rin talaga masasabi na merong mga pinoy na likas na magagaling.....magnakaw. Sa kuwentong ito naalala ko yung palabas na "Gone in 60 seconds". Pinagbidahan ng paborito kong artista na si Nicolas Cage at siyempre ng isang magandang leading lady na si Angelina Jolie. Sa movie, ipinakita doon kung paano sila dumali ng mga magaganda at magagarang sasakyan(Cars).
Ano naman ang kaugnayan ng palabas? Akalain mo yung isang Harley Davidson na P3.4 million($79,000) na pag-aari ng isang Hollywood writer e nadali at nang hinanap dito lang sa bansa natin natagpuan. Mantakin mo pati ang Mindanao ngayon ay medyo pumangit na ang imahe dahil dito. Sa Cagayan de Oro, sa Talacag Bukidnon natagpuan ang nasabing motor o "big bike". Ang hindi pa maganda sa pandinig ay ang umano'y pagiging malakas ng isang taong ito na hinihinalang smuggler sa BOC o Bureau of Customs.
Akala ko sa Manila lang maraming "Gone in 60 Seconds", pati na rin pala ang Bukidnon meron na rin. Kawawang Mindanao na aking pinagmulan.
Bakit nadawit ang customs? E hindi na bago ang ahensiyang ito sa pandinig ng maraming pinoy pagdating sa mga kalakal galing sa ibang bansa. Masarap yatang magtrabaho dito. Gaganda ang buhay ng mo pag dito ka nagtrabaho. Kaya parang taas-noo ang mga taong nagtatrabaho dito dahil sarap ang buhay ng mga nasa posisyon. Isang pasanin ni P-Noy ang ahensiyang ito.
No comments:
Post a Comment