Hindi ibig sabihin na kapag hindi ka sang-ayon sa RH Bill ay hindi mo naiintindihan ang kahalagahan nito. Hindi ibig sabihin na yaong hindi nakakaintindi nito ay pawang mga mahihirap lang at walang edukasyon. Bago sana sila magsalita isipin muna nila kung ano ang pinagsasabi nila.
Noon pa man, isipin nyo kahit ang isang magsasaka na mahirap lamang ay nagagawa niyang buhayin ang kaniyang sampong anak. Napag-aaral niya ang mga ito. At ang katotohanan, marami sa mga naging maunlad ngayon ay mula sa isang magsasaka pamilya lamang. Grabe naman magsalita ang mga akala mo'y matatalino pero bobo naman!
Ano ba ang meron sa RH Bill na yan at pilit na iginigiit ng ilang mambabatas? Magkano ang kakailanganin para maisagawa ang bagay na yan? Dagdag gastos lang yan bagkus ilaan nila ang gagamiting pondo para sa pagpagawa ng maraming kalsada sa probinsiya upang dayuhin ng mga negosyante. Upang magkaroon ng pagbabago sa mga lugar na hindi pa gaanong develop. Sobrang dami na ng bill, baka naman marami na tayong babayaran niyan? Bakit hindi nyo na isama dyan ang Meralco bill at kung anu-ano pang bills na yan. Sa dami ng batas, iilang lang ang naipapatupad. At hanggang ngayon ganun pa rin ang problema natin.
Populasyon ba kamo? Idagdag mo pa ang edukasyon, ang kalusugan at iba't ibang problema ng bayan, iilan lang yan sa mga problema pero ang pinakamabigat na problema ng bayan ay ang CORRUPTION na hindi naman pinagtutuunan ng mga mambabatas dahil sa takot na mabuking ang kanilang mga ginagawa. Tabi-tabi lang po! Yan ang dapat na gawan ng iba't ibang batas. Yan ang nagpapahirap sa ating bansa kaya hindi tayo umaasenso, kung kaya marami ang mahirap, kung kaya mababa ang pasahod at kung kaya dumarami ang mga masasama.
Dahil ba may malaking negosyo sa likod ng RH Bill na yan? Sino ba ang makikinabang dyan? Mga mahihirap ba? Habulin ang hindi nagbabayad ng Tax, mga politikong may malalaking negosyo, mga negosyanteng mahilig maglagay para lang mapababa ang kanilang tax.
Yan ang mahirap sa mga taong sobrang magagaling gumawa ng batas pero hindi naman nila ipinatutupad ng maayos. Yan din ang mahirap sa mga taong akala mo ay naiintindihan lahat ng bagay sa mundo pero wala din naman.
Kahit na anong gawin kung ang tao sadyang mahilig sa sex talagang ganyan ang mangyayari, dadami ang populasyon at dyan papasok ang iba't ibang epekto o sabi pa nga ng isang komentarista ay "Ripple effect".
No comments:
Post a Comment