Search Bar

Thursday, September 12, 2013

Nakakahiya Naman!

Ito pa ang ilang mga pasaway. Dalawa pa naman sa mga ito ang ibinoto ko na sa pag-aaakalang matino pero sabit din pala. Sabagay sa susunod hindi na sila makaka-ulit. Tapos ang nakakahiya pa, mula sa bayan ko ang isang Representative na nasa ika-apat na linya. 

source: Facebook
Mas nakakahiya itong sa unahan, mantakin mo topnotcher. Pati yung asawa nito na kung magsalita ay akala mo'y binubuhay niya ang kaniyang mga nasasakupan. Sabihin ba namang, "wag silang hihinngi ng tulong....." - yung mga lumalapit sa kanya.  

Ngayon, nalalaman natin ang mga ito dahil sa PDAF scandal na yan. Mapa-administrasyon o oposisyon, ang ilang ay hindi na dapat ibotong muli sa mga susunod pang halalan.

No comments: