Search Bar

Thursday, April 4, 2013

Text Message

Hindi ko alam kung kung sino siya at paano niya nakuha ang number ko. Ito ang number niya - 09092170805. Panay ang text niya sa akin nitong araw na ito maging ng ilang araw na lumipas. Sunod-sunod ang mga text niya sa akin na may pambabastos at pananakot. Paulit-ulit na para bang nauulol. Nang i-reply ko siya, pinorward naman niya sa akin ang reply ko sa kanya ng maraming beses. Napaisip tuloy ako sapagkat wala naman akong taong naka-alitan nitong mga nakaraang araw kahit sa mga nakalipas na taon.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong pambabastos na may kasamang pananakot. Kaya naman para akong balisa at inisip ko kung sino sa mga kapit-bahay ko ang na-offend ko. Sadyang wala akong maisip na suspect. Gayunpaman, naisip ko na lang na maging handa sa bawat paglabas ko sa bahay. Sapagkat hindi ko tiyak kung kailan mangyayari ang banta niya sa akin. 

sourcehttp://www.thebluedot.net

Ilan sa ang mga text niya bukod sa mga pambabastos:

1. "may araw din kayo ng amo mo na pilay, b _ _ _ _ g nyo may daga".

2. "...................... MARAME KA NA KASALANAN. PALUIN N LNG KITA PAGNKASAKAY KA SA MOTOR M SIP SIP KA SA AMO M........."

Wala naman akong among pilay kaya naisip ko na baka hindi ako o na wrong send lang. Pero ang nakakapagtaka, bakit alam niya ang apelyido ko.

Naisip kong i-trace ang may-ari ng number ngunit paano? Gayong hindi naman gaano ka-high tech dito sa atin di-tulad sa ibang bansa. Hindi ko lang alam kung mati-trace ba ng makabagong celphone ang number na ito sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS). Malamang sa ibang bansa ngunit hindi dito sa atin. 

Buhay nga naman, kahit magpakabait ka sa mundong ito sadyang may mga taong mahilig gumawa ng gulo. Hindi mo alam kung naiinggit o gusto lang mang-asar at walang magawa sa buhay.

No comments: