Search Bar

Saturday, February 2, 2013

Kagandahan ng Malapit sa Airport

Pauwi ng Mindanao ang aking kamag-anak na isang linggo ding nagbakasyon dito sa amin. Cebu Pacific ang flight nila patungong Butuan City. Alas-siete ng umaga ang lipad nila ngunit maaga pa lang (4 am) ay gising na sila para gumayak, medyo excited na rin kasi ang tiyahin ko na umuwi. Kami naman ay ginising na lang dahil napuyat kami ng palabas na "Pearl Harbor".

Akala nila malayo ang Terminal 3 dito sa Taguig. Dahil nakagayak na sila, kumuha na lang ako ng tricycle palabas para mag-taxi patungong Domestic Airport. Actually, may International Flight din sa Terminal 3 tulad ng Terminal 2. Dahil maaga pa lang, narating namin ang nasabing terminal sa loob lamang ng mahigit 30 minuto, mga dakong alas-singko na ng umaga. Samakatuwid, dalawang oras pa silang maghihintay para makalulan sa flight nila ngunit ok lang kasi ang check-in dapat ay 5 am.

Sabagay mas mainam na yung maaga kaysa mahuli sila sa flight. Mahirap na. 

Kaya naman, mas maganda talaga kung maninirahan ka rin lang sa siyudad, piliin mo yung lugar na malapit sa Airport at bus station dahil mas madaling bumiyahe kung uuwi ng probinsiya sa pamamagitan ng eroplano o bus. Walang hassle liban kung kasagsagan ng traffic o "Rush Hour" na kailangan mong umalis ng mas maaga.

Pinakamalapit na ang lugar ng Taguig, Pasay, Makati at Paranaque sa Airport. 

1 comment:

Koko Tamura (Blogger Bark) said...

Hello! How are you?

I am Koko Tamura, I am with PRC INC (http://www.facebook.com/prcinc) as their Digital Marketing gal. Just recently, we launched an FB group, TeamPRC (Blogger Network) and we would like to invite you to be part of it. The group is basically intended to be our way of communicating directly with the bloggers. We want to get to know the bloggers in a better and more private manner so that it would be easier for everyone to be at ease with each other when we invite them at our events.

Yes, TeamPRC is a place where we post PR-posting opportunities (including rewarding opportunities) as well as exclusive invites for our dear members. You may visit us at http://facebook.com/groups/friendsofprc

Oh, and before I forget, once you decide to join us, please do fill up the form (it's the pinned post) where we keep your information. At least it would be easier for us to get in touch with you for invites and other exclusive opportunities.

Thank you and I look forward to seeing you in the group!
Have a fun day!