Sa dami ng mga nakakaririwasa sa buhay, nawa'y makatulong tayo kahit sa maliit na paraan. Hindi naman kailangang malaki ang ibigay mo basta sa pananaw mo makakatulong ka.
Kailangan ngayon ng mga naapektuhan ng bagyong Sendong ang ating tulong. Sa laki ng pinsala ng bagyo, marami ngayon sa lugar na dinaanan ni Sendong ang nangangailangan ng ating tulong. Siguro naman, sa kahit P5 basta bukal sa kalooban natin ay magiging masaya na tayo. Kung sa halagang P5, malaking bagay na kung sama-sama tayong tutulong para sa mga nangangailangan sa Cagayan de Oro City at Iligan lakip na sa mga karatig bayan na apektado ng bagyo.
Ngunit mag-ingat sa mga account na ginawa upang makapanloko. Sapagkat, hindi maiiwasan na meron pa rin mga mapagsamantala sa mga ganitong sitwasyon. Kung magdo-donate tayo, siguraduhin nating mga pawang lihitimong ahensiya lamang ang pagbibigyan natin. Malaki rin ang mabubuo kung maiipon ang lahat ng pera itinutulong ng bawat isa sa atin. Doon na tayo sa mapagkakatiwalaang sektor na tumutulong sa mga nangangailangan.
Para sa mga gustong mag-donate, maaaring bisitahin ang blog na ito: http://inusentepapalaako.blogspot.com
No comments:
Post a Comment