Search Bar

Wednesday, August 3, 2011

Pag-resign Ni Senator Zubiri Nakakagulat

Senate of the Philippines where senate hearing...Image via Wikipedia
Nagulat ako sa balita na nag-resign si Senador Juan Miguel Zubiri. Biglang-bigla. Marami siguro ngayon ang nagtataka kung bakit siya nagresign. Ngunit ayon sa balita, hindi raw niya maatim ang nangyaring dayaan. Samakatuwid, talagang totoo ang "dayaan issue" noong mga nakaraang election. Malamang usap-usapan na ito ngayon sa internet.

Bakit ngayon lang? Sa mga balitang TV Patrol, nariyan ang tungkol sa pagpapatiwakal ng isang abogado ng DBP dahil sa naging imbitagasyon sa kanya kaugnay sa pag-approve ng isang malaking business loan. Nariyan din ang paglutang ng mag-asawang Tan tungkol naman sa issue ng "kape" ng PAGCOR. At ang matindi, ay ang pagresign ni Zubiri sa kaniyang puwesto sa senado.

Sa mga susunod pang araw, sino pa kaya ang bibigay sa sitwasyon kung saan tinutugis na ang mga anomalya at katiwalian. Kaya, todo kapit ngayon ang mga hindi pa nakokonsensiya sa kanilang ginawa at sa patuloy na pagsugpo sa katiwalian, tiyak dadami pa ang lulutang na magiging testigo.
Enhanced by Zemanta

No comments: