Search Bar

Thursday, July 21, 2011

Kakapagod

Image Source: www.graphicshunt.com

Minsan kahit na anong sigla ng katawan dumarating din ang punto na makakaramdam din tayo ng pagod. Pilitin man nating laging masigla sa bawat araw eh talagang hindi maikukubli ang pagod na nararamdaman natin lalo na kung marami tayong iniisip. Maraming problema.

Iba ang pakiramdan kapag pagod tayo dahil sabihin man nating gumagana ang ating isipan, naroon pa rin ang parang wala kang ganang kumilos although kailangan. Nakakaramdam tayo ng nakakairitang pagod na utak, katawan, mga ugat na tila akala mo'y kumikirot at yun bang gusto mong humiga maghapon. Isa pa, nakakawalang ganang magtrabaho. 

Pero dahil bahagi ng ating buhay ang pagod, kaya tinitiis natin ang bawat nararamdam nating panghihina, pananakit ng katawan at ang bumibigay nating pag-iisip. Pero, sa kabila ng pagod kailangan pa rn nating kumilos dahil mahalaga sa atin ang kumayod at mabuhay.

1 comment:

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/