Ang araw na ito ay espesyal sa ibang tao. Pero, tanong ko lang, gaano mo ba kamahal ang mother mo? Ako hindi kasi ako showy pagdating sa ganyan, dahil ayokong maging malungkot. Pero, sobrang mahal ko ang nanay ko dahil sa mga nagawa niya sa 'ming magkakapatid. Sobra ang sakripisyo niya lalo na kung dalawa na lang kami ng bunso ko kapatid ang hindi pa nakatapos ng pag-aaral. Pero may mga anak naman na walang paki sa kanilang magulang, generally sa kanilang ina.
It's not enough to say good during mother's day kundi gawin mo ang responsibilidad mo sa magulang mo kahit hindi mother's day. Oo nagbigay pugay ka nga pero hindi mo naman siya kinakalinga, inaalagaan at sinusustentuhan para sa kaniyang pangangailangan. Wala ring saysay.
Ikaw, maaatim mo bang makitang balisa ang nanay mo dahil walang pera, may sakit at hindi maganda ang kalagayan. Sana naman, kung sampo kayong magkakapatid, dapat planuhin kung paano mailalagay sa maayos na buhay ang mother nyo. Ngunit, sa katunayan iilang lang ang anak na tunay na nagmamahal sa kanilang ina o mga magulang.
Ako, sabi ko sa mother ko, "wala akong yamang maibibigay sa iyo pero ang pagmamahal ko sa iyo 'nay ay higit pa sa buhay ko".
No comments:
Post a Comment