Search Bar

Monday, April 25, 2011

800 Filipino Workers

Tingnan nyo nga naman, kabi-kabila talaga ang problema ng pinoy. Ito, 800 na pinoy na naman ayon sa Philstar ang kailangan makapunta ng Philippine consulate sa Jeddah upang makauwi sa ating bansa. Ayon sa Migrante, ng tagapag-salita nito, P24 Million ang request nilang budget para sa plane ticket para sa isang libong Filipino sa Saudi. Isa na namang pasanin sa buhay.
source: Google
E bakit hindi na lang pauwiin ng unti-unti upang malutas ang ganitong problema. Puwede naman sigurong hindi sabay sabay. O baka naman, kailangan sabay-sabay para papogi effect 'ika nga. Dapat siguro makipagtulungan din ang mga Filipino doon upang makauwi sila ng maayos. Ang maaring solusyon dyan, OWWA, Gobyerno, Migrante at Filipino sa Saudi - magtulungan at tamang koordinasyon. 

Sa Ating mahal na Pangulo, may pera naman siguro para makauwi ang ating mga kababayan, Please...tama na ang pangako.

No comments: