Search Bar

Wednesday, October 27, 2010

Sirang Computer

Minsan may isang batang nagtanong, "Kuya, meron kaming computer hindi na namin ginagamit, ano kaya ang sira nun?". Medyo nag-isip ako. Ibang klaseng tanong to parang nakakaloko pero mukhang sincere naman siguro ang pagtatanong ng bata sa akin.

Meron akong ginagawang computer ng mga sandaling yun. Kaya hindi ko muna pinansin ang tanong sa akin ng bata. Pero iniisip ko na kung ano ang isasagot ko. Habang nakatingin ang bata sa akin, hindi ko maiwasan tumingin kung kaya't singaot ko na lang ang tanong niya ng pabiro. Sabi ko, "Gamitin mo kasi para hindi masira."

Natawa na lang ang bata sabay sabad ng kasama niya, "Oo nga naman, gamitin mo kasi!". Natawa na lang kami.

No comments: