Marami ka bang kaibigan? Eh tunay na kaibigan? Kasi ngayon yung iba nanggagamit lang.
Sa panahon ngayon, iilan lang ang maituturing mong tunay na kaibigan. Hindi lahat ay totoo at yung iba ay plastik at tipong kailangan ka lang kung may hinihingin kaunting pabor.
Ang mahirap sa parte ng pakikipag-kaibigan ay iyong ikaw ay totoo sa kanya ngunit siya ay hindi. May mga oras na minsan lahat ng pakisuyo ay ginagawa mo ng walang hinihinging kapalit. Kahit alam mong meron kang dapat unahin eh sadyang ginagawan mo ng paraan para lang hindi masira ang inyong samahan. Na kahit anong oras siyang tumawag o makisuyo ay hindi mo matanggihan.
Minsan, dahil sa pagiging totoo mo hindi mo naiisip kung tama pa ba ang ginagawa mo o may panahon ka ba sa iyong sarili o pamilya. Mahirap bang tumanggi? Masamang umayaw? O nagiging plastik ka na rin?
Sa negosyo, tama bang lagi na lang libre? Minsan, hindi maiiwasan dahil nahihiya ka dahil kaibigan mo. Dahil may pinagsamahan kayo, iniisip mo na baka maging dahilan ito ng pag-iwas niya sa iyo. Minsan kahit walang-wala ka na ay libre pa rin. Pero, ang kuryente hindi libre, di ba? Sa jeep, walang TY, di ba? Ang materyales binibili, di ba? So, tama bang ganun na lang?
Minsan mas mahirap timbangin ang isang kaibigan kaysa sa asawa o kapamilya. Minsan, kapag pera na ang usapan nandiyan ang trayduran. Kapag, may transaksiyon kayong tungkol sa pera at may katumbas na malaking komisyon, asahan mo tatraydurin ka niyan. Gagawa at gagawa yan ng paraan na ma-solo niya ang pera o maisantabi ka lalo na't wala naman kayong kasulatan.
Merong kaibigang akala mo kapatid ang turing sa iyo at anumang meron siya parang iyo na rin. Subalit mag-ingat ka dahil dahil lahat ganun at huwag mong isipin puwedeng laging ganun. Sapagkat baka sa bandang huli sa iyo pa hanapin ang mga gamit niya?
Napansin mo bang parang kang isang utusan? Oo, yung halos ipagawa na sa iyo lahat kahit nandiyan naman ang pamilya niya. Yun bang sobra ang tiwala mo sa kanya na totoo siyang kaibigan kaya ginagawa mo naman ang bawat utos niya dahil matalik mo siyang kaibigan. Pero kalaunan, kaunting pagkakamali mo lang ay ikaw pa ang may kasalanan. Yes, nangyayari ang ganitong sitwasyon at yun ang dapat natin iwasan. Dahil ito ang magiging dahilan ng hangganan ng inyong pagkakaibigan.
Kaya ngayon, natuto na rin ako dahil ganyan ang naransan ko. Kaya ang pananaw ko ngayon parang gamitan na lang ang buhay sa mundo. Pero, kapag totoo ka pala, minsan ang hirap iwasan pero kinakailangan lalo na kung pamilyado ka na. Sa panahon ngayon, hindi lahat ng bagay libre dahil kahit ultimo hangin sa isang vulcanizing shop may bayad na. At sa panahon ngayon gutom abutin mo o ng pamilya mo kapag kaibigan mo ang laging mong inuuna. Pero sana nga hindi lahat tulad ng iba na plastik at hindi totoo.
No comments:
Post a Comment