Dahil patuloy tayong nakikinig, sumusubaybay sa bawat balitang lumalabas sa telebisyon, radyo at maging sa internet lalo na sa mga social sites, mapapansin natin na isa-isa na silang nagbibigay ng kanilang pahayag pabor sa pagbuwag ng Pork Barrel.
Habang tumatagal, parami ng parami ang mga nasasangkot sa PDAF Scam na pinasimunuan umano ni Janet Napoles. Ilang senador ang nagpahayag ng kanilang opinyon na dapat ng alisin ang PDAF. Ayon kay Chiz Escudero, malaking kawalan ang PDAF ngunit sakit sa ulo lang yan. Kaya naman daw magtrabaho kahit walang PDAF. At tulad niya nagagawa naman daw niya ang kaniyang trabaho kahit wala ito. Handa na rin si Tito Sotto na alisin ang kaniyang parte.
Nitong ilang araw, nagpahayag na rin maging ang CBCP na dapat alisin na ang Pork Barrel na yan dahil yan daw ang nagiging ugat ng kurapsiyon sa ating bansa. Bakit ngayon lang sila nag-react? Hindi ba't dapat noon pa? Kaya hindi nakakabilib itong lupon ng CBCP sa kanilang adhikain dahil parang sumusunod lang din sila sa agos. kumbaga papogi-epek para masabing concern sila.
Kung talagang, sila ay nagmamalasakit sa bayan dapat noon pa nila ginagawa ang kanilang sinasabi. Hindi mo talaga alam kung sino ang dapat kilingan dahil pare-pareho silang nagmamalilinis. Kung kelang mainit saka sasawsaw. Pare-parehas lang naman, mapa-simbahan at pulitiko!
Pasensiya na tao lang po.
No comments:
Post a Comment