Search Bar

Saturday, August 18, 2012

Community Service Project

Ang Community Service Project (CSP) ay ginagawa ng mga Latter-Day Saints (LDS) na handang tumulong sa kanilang mga ka-miyembrong nangangailangan ng libreng serbisyo sa pag-aayos ng bahay o paglilinis ng kapaligiran. Ito ay hindi lamang ginagawa para sa mga ka-miyembro, kundi maging sa mga komunidad na nais mapabuti at maisaayos ang kapaligiran. Dito natin maipapakita ang wagas na pagtulong natin sa ating kapwa. Ang pagtulong ay hindi lamang sa oras ng mga matitinding kalamidad kundi kahit anong oras. Ang pagtulong ay libre.

Magandang mapabilang sa mga samahang ang layunin ay hindi maghasik ng lagim kundi ang maglinkod sa ating kapwa tao.

Kamakailang lamang, naging bahagi kami ng pagtatayo ng isang bahay sapagka't isa sa aming miyembro ang binaha na halos hindi na niya magamit ang kanilang tahanan ng maayos. Pansamantala silang naki-silong sa isang lider habang pinahuhupa ang baha sa kanilang bahay sanhi ng mga tubig na galing sa kanal at wala ng malabasan dahil sa siksikan ang bahay. Isa pa, mababa ang kanilang lugar kaya naman sa kanila ang takbo ng tubig.

Samakatuwid, kailangan itaas ng husto ang kanilang bahay upang sa gayon, kung sakaling bumaha uli ay hindi sila gaanong maapektuhan. Makakatulog sila ng maayos at hindi na kailangan pang maghakot ng kami sa tuwing aaabot ang tubig hanggang tuhod.

Signal Village,Taguig
Isinagawa ang plano nitong panahong na walang pasok. Tatlong araw na walang pasok nitong buwan ng Agosto.

Ilang kalalakihan ang lumahok maging ang kanilang mga anak na lalaki ay tumulong din.

Masaya at mas magaan ang trabaho kung nagkakaintindihan at nasa plano ang trabaho. Magaan ang pakiramdam kung tayo ay nakakatulong sa isang simpleng paraan.

Ang mga yero, kahoy at ilang mga materyales ay pawang mga bigay lamang mula sa isang inayos na bahay (pinalitan ng mga bagong materyales) at ilang mga miyembro na may extrang materyales na hindi na ginagamit na halos sapat lang para makapag-atip, sahig at dingding.

Sa unang araw, nakapag-atip agad dahil kailangan upang masilungan na ang ang bahay. 

Sa ikalawang araw, nilagyan na ito ng mga dingding na yero upang tumibay ang kabuuhan ng bahay. Halos nagamit lahat ang mga materyales.
Sa ikatlong araw, sinimulan na ang pagsasahig. Walang humpay sa trabaho upang sa araw ding iyon ay magamit na ng may-ari ang bahay na mas mataas sa dati. Inayos na rin ang linya ng kuryente. 

Kahit paano, natapos ang bahay. Maayos na silang nakakatulog sa gabi kahit na umulan.