Alas-4 ng madaling araw, hindi ako makatulog dahil sa medyo masakit ang tiyan ko at medyo maalinsangan. Kaya lumabas ako ng kuarto at nagpahangin sa terahe. Ilang sandali pa'y lumabas ang aking asawa dala ang cellphone ko dahil sa isang text na inakala niyang galing sa kaniyang anak. Ang laman ng text, "Mama, si Ken po ito, nakitext lang ako. Nabangga ang sinasakyan namin, pakiloadan na lang po ang number na ito....., 300 smart po yan. Pakibilisan dahil may sugat ako sa ulo huling text ko na ito." Medyo nabala ako baka nga totoo ang nangyari, pero nang basahin ko ang oras ng pag-text, dakong alas-11 ng gabi pasado na ito dumating sa amin. Nag-isip muna ako, baka scam ito.
Hindi mapakali ang asawa ko kaya bumaba ako ng ground floor, binuksan ang computer at nagload ako sa sarili kong cellphone pati na rin ang cellphone ng anak namin. Tinawagan ko ang bata upang komustahin at tiyakin kung totoong nabangga siya. Naka-usap ko siya at nalaman kong safe naman siya dun sa bahay ng pinsan niya kaya hindi na ako nangamba. Scam nga ang text na natanggap namin.
May mga tao talaga na kahit sa load ay naghihikahos na rin (siguro) o sadyang katuwaan lang nila ang panloloko. Ano nga ba kung totoo ang laman nung text at maaaring na wrong send lang? Minsan may ganun pero nangyari na rin yan sa akin noon at hindi ako nagpadalus-dalos ng desisyon.
Kaya minsan kailangan nating mag-ingat dahil kalat ang manloloko ngayon. Lalo na yung mga instances na palalabasin ka ng bahay para makipagkita, buksan ang pinto at kung anu-ano pang modus para makapanloob. Ingat po sa mga ganitong tao.
No comments:
Post a Comment