Kailan kaya mangyayari na ang lahat ng tao sa mundo ay tapat at disiplinado?
Mahirap yatang mangyari ito dahil sa hirap ng buhay. Kanina lamang nabasa ko sa yahoo, sa Japan lalo na sa lugar kung saan naganap ang malakas na lindol na sinabayan ng malakas na Tsunami, sa Ofunato City meron pa palang tapat na mga tao dun. Ang mga sumusunod na larawan ay isang pagpapatunay ng tunay na disiplina at katapatan ng ilang mga residente ng Ofunato City.
Ito ang isang larawan, pagkatapos ng matinding Tsunami, mapapansin mo ang mga kaha de yero kumbaga, sa larawan. Maaaring naglalaman ito ng mga mahahalagang bagay - alahas pera at papeles.
Dito sa sumunod na larawan ang mga nakakamadang mga safes o kaha de yero. Ito yung mga safes na napulot ng ibang tao, at isinauli sa police station. Makikita mo ang dami nito ngunit lubos na pintunayan ng ilang Japanese na hindi sila gahaman sa salapi, na sila ay tapat at disiplinado. Kaya naman taas noo nilang ipinagmamalaki ang kanilang bansa at ang kanilang dignidad.
Sabagay, minsan na rin akong nakapasyal ng Japan, datapwat hindi ko ba lubos na naikot ang Japan ngunit dama ko na ang kapayapaan, kalinisan at disiplina sa bawat lugar na napuntahan ko.
Siguro, kung ang mga safes na iyan ay nandito sa atin malamang wala na ang mga iyan. Maaaring napunta na yan sa mga mapagsamantalang tao. Sabi nga nila, ng ilan sa atin, "latero lang ang katapat nyan".
Sana ganito din tayo dito sa Pilipinas. Alam kung kaya pang baguhin ng ating gobyerno ang ating bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tamang batas, disiplina at palawakin pa ang tamang edukasyon sa ating mga kabataan. Sa tahanan at paaralan dapat magsimula ang tamang disiplina at ituro ang katapatan at dignidad. Gawing totohanan ang pagpapatupad ng batas saan mang dako ng bansa.
No comments:
Post a Comment